Itinaas ng City Board of Canvassers ang kamay ni Edwin Olivarez bilang bagong halal na alkalde. Siya ay nakakuha ng 169,224 na boto.
Ito na ang ikatlo at huling termino ni Olivarez bilang mayor ng Parañaque City.
Wagi naman Rico Golez bilang bise alkalde at nakakuha siya ng 141,433 votes.
Ginawa ang proklamasyon sa Parañaque City Sports and Social Hall kung saan present ang buong pamilya Olivarez, maging ang kanyang supporters.
Samantala, naiproklama rin si Joy Tambunting bilang nagwaging kongresista para sa ikalawang distrito ng Parañaque City, matapos manguna sa botong 103,028.
Tulad sa ibang lugar, natagalan din ang proklamasyon sa mga nanalo dahil sa mga SD card na pumalya.
Pero dahil na apprubahan ng Comelec ang request na mapababa ang threshold sa 90 percent, kahit nasa 99 percent na ang transmission of votes, kaya napagdesisyunan ng Parañaque City Board of Canvassers na iproklama na ang mga nanalong kandidato.