Isa patay sa sunog sa Caloocan City; mahigit P1 milyon halaga ng ari-arian ang nasunog

Isa ang nasawi sa sunog na naganap sa Caloocan City kahapon, araw ng Martes (May 14).

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng hapon sa 4th Avenue, Barangay 49.

Ayon kay Supt. Stephen Requina, city fire marshall ng Caloocan BFP, isang 46 anyos na babae ang nasawi sa sunog.

Ito ay makaraang masuffocate ang biktima sa nasunog na bahay.

Tinataya namang aabot sa P1.2 million ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Umabot sa 3rd alarma ng sunog at naideklarang under control, alas 5:08 ng hapon.

Read more...