Family portrait ng mga Dantes, umani na ng higit 1M likes

By Len Montaño May 15, 2019 - 04:35 AM SHARE(S):
Marian Rivera IG

Umani na ng mahigit isang milyong likes sa social media ang picture perfect na larawan ng pamilya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa kani-kanilang Instagram ay masayang ibinahagi nina Marian at Dingdong ang litrato nilang mag-anak.

Kasama ng mag-asawa ang mga anak nilang panganay na si Zia at ang bagong panganak na si Baby Sixto o Ziggy.

Nagpasalamat si Marian sa Diyos para sa kanyang anyay “greatest gifts,” ang kanyang pamilya at mga anak.

Dingdong Dantes IG

Pinasalamatan naman ni Dingdong ang kanyang misis sa pagtupad sa kanyang pangarap.

Isa anyang katuparan ng kanyang pangarap ang maging misis ang aktres.

Sa ngayon ay mayroon ng kabuuang mahigit 1 milyong likes ang larawan ng pamilya.

TAGS: 1M likes, Baby Sixto, Dingdong Dantes, family portrait, greatest gifts, Marian Rivera, picture perfect, Zia, Ziggy, 1M likes, Baby Sixto, Dingdong Dantes, family portrait, greatest gifts, Marian Rivera, picture perfect, Zia, Ziggy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.