6 arestado dahil sa droga sa Maynila

By Rhommel Balasbas May 15, 2019 - 04:31 AM

Arestado ang apat na lalaki at dalawang babae sa buy-bust operation ng pulisya sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Abad Santos Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief Pol. Capt. Val Valencia, target ng operasyon ang alyas Ejay.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng droga mula sa suspek at tyempo namang may lima pa itong parokyano.

Agad na hinuli si Ejay at ang kanyang mga customer.

Narekober mula sa mga suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu at ilang pakete rin ng marijuana.

Ayon sa pulisya, ginagamit ng target na suspek na ‘front’ para makapagbenta ng droga ang kanyang online business sa pagbebenta ng damit.

Mariing pinabulaanan ng suspek na nagbebenta siya ng droga.

Sasampahan na ang anim ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 2 babae, 4 lalaki, Abad Santos Police Station Drug Enforcement Unit, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, front, manila, Marijuana, online business, poseur buyer, shabu, 2 babae, 4 lalaki, Abad Santos Police Station Drug Enforcement Unit, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, front, manila, Marijuana, online business, poseur buyer, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.