Catholic bishops umaasang hindi bibiguin ng mga elected officials ang publiko
Hinimok ng mga obispo ng Simbahang Katolika ang mga nagwagi sa halalan ngayong taon lalo na ang mga senador na gawin ang kanilang mga trabaho tulad ng inaasahan sa kanila ng publiko.
Sa isang pahayag, sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na umaasa siyang magtatrabaho ang elected officials para sa kapakanan ng mga mamamayan at hindi para sa iisang tao lamang o partido.
Panalangin anya ng Simbahan na hindi biguin o hindi na muli pang biguin ng mga pulitiko ang taumbayan.
Ani Bishop Santos, huwag sana umabot sa puntong magsisisi ang mga tao sa kanilang mga inihalal.
“Given a fresh mandate, let us pray they will live up to our expectations, and we will not be sorry we have elected them,” giit ni Bishop Santos.
Naniniwala naman ang obispo na nagsalita na ang taumbayan at dapat irespesto ang kanilang desisyon.
Ang pahayag ng obispo ay sa gitna ng pangunguna ng mga mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial race.
Dismayado naman si Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa resulta ng halalan sa pagkasenador.
Ito ay dahil sa pangamba na maging ang Senado ay makontrol na rin.
Nauna nang umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga botante na pangalagaan ang checks and balances sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.