Irigasyon sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga hanggang ngayong araw na lang

By Rhommel Balasbas May 15, 2019 - 04:11 AM

Hanggang ngayong araw, May 15 na lamang makakakuha ng irigasyon mula sa Angat Dam ang mga lupang pansakahan sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Ito ay upang iprayoridad ang suplay ng tubig sa mga residente para sa Metro Manila.

Ipinag-utos ang suspensyon ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon upang matipid ang tubig sa Angat Dam.

Nauna nang sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Director Sevillo David Jr. na hindi naman lubhang maapektuhan ang mga pananim sa pagsuspinde ng irigasyon mula sa dam.

Patapos na anya kasi ang cropping season at malapit na ang panahon ng ani.

Patuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam na kahapon ay nasa 174.37 meters, mas mababa sa minimum operating level na 180 meters.

TAGS: alokasyon ng tubig, Angat Dam, Bulacan, cropping season, irigasyon, NWRB, Pampanga, sakahan, suplay ng tubig, alokasyon ng tubig, Angat Dam, Bulacan, cropping season, irigasyon, NWRB, Pampanga, sakahan, suplay ng tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.