Pope Francis nagtalaga na ng bagong obispo para sa Diocese of Malolos
Matapos ang isang taon ay may bagong obispo na ang Diocese of Malolos sa Bulacan.
Ayon sa anunsyo ng Apostolic Nunciature araw ng Martes, itinalaga ni Pope Francis si Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo bilang bagong obispo ng Malolos.
Ang 52-anyos na si Villarojo ay ang ikalima nang obispo ng diyosesis.
Susundan ni Villarojo si Bishop Jose Oliveros na pumanaw noong May 2018 sa edad na 71.
Simula nang maging sede vacante ang Diocese of Malolos ay pinamunuan ito ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco bilang apostolic administrator.
Si Villarojo ay naordinahang pari taong 1994.
Taong 2015 ay itinalaga siya ng Vatican bilang General Secretary ng 51st International Eucharistic Congress na naganap sa Cebu noong January 2016.
Makalipas lamang ang ilang buwan ay itinalaga naman si Villarojo bilang Auxiliary Bishop ng Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.