‘Failure of election’ inirekomendang ideklara sa 2 barangay sa Isabela

Kuha ni Clarize Austria

Inirekomenda ng acting provincial supervisor sa Comelec en banc ang ‘failure of election’ sa dalawang baranggay sa Isabela.

Ito ay makaraang sunugin ng mga armadong lalaki ang dalawang vote-counting machines (VCMs)  ng dalawang baranggay sa Jones, Isabela.

Ayon sa pulisya, papunta ng munisipyo ang electoral board dala ang VCvote cpountiMs nang harangin ng armadong mga lalaki at sinunog ang mga VCM.

Ang rekomendasyon sa pagdedeklara ng ‘failure of election’ ay dahil sa hindi na umano maretrieve ang resulta ng botohan.

Samantala, nagpahayag na ang Comelec na iimbestigahan ang insidente.

Read more...