Erap binati si Isko Moreno sa pagkapanalo bilang alkalde ng Maynila
Nagpaabot ng pagbati si dating pangulo at dating Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada’ kay Isko Moreno na nahalal bilang bagong alkalde ng lungsod.
Sa kanyang official statement, sinabi ni Estrada na nagsalita na ang taumbayan.
Iginiit ni Estrada na magtatapos ang kanyang limang dekadang serbisyo-publiko nang tapat at isinaalang-alang ang kapakanan ng mahihirap.
Ipinagmalaki rin ng dating alkalde na taas-noo siyang lalabas ng City Hall ng Maynila dahil nabayaran ng kanyang administrasyon ang P4.4 bilyong utang na nadatnan noong 2013.
Napagawa rin umano ang mga ospital sa Maynila na nagagamit nang libre.
Bukod dito ay may iiwan pa na P14 bilyong pondo ang Erap administration dahil sa umano’y masinop na pamamahala at maingat na paggasta sa pera ng taumbayan.
Ipinangako naman ni Erap ang ‘smooth turnover’ ng city government kay Moreno.
Nanawagan din ito sa kanyang mga supporters na suportahan ang bagong administrasyon ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.