Maybahay ng napaslang na Trece Martires vice mayor, nangunguna sa mayoral race

FB photo

Nakatakdang iproklama bilang akalde ng Trece Martires City Cavite si Gemma Lubigan, asawa ng napaslang na si dating Vice Mayor Alex Lubigan.

Nakakuha ng 27,918 votes si Gemma na mas mataas kay Melencio De Sagun na may 21,197 votes.

Ang ama ni Melancio na si incumbent Mayor Melandres De Sagun ay inakusahang may kinalaman sa pamamaslang kay Alex Lubigan.

Gayunman, nilinis ng Department of Justice (DOJ) ang pangalan ni Melandres noong Pebrero.

Naganap ang pamamaslang kay Alex isang araw matapos nitong ianunsyong tatakbo siya sa pagka-akalde ng Trece Martires.

Read more...