Rondina ibubuhos ang lahat sa laban ng UST kontra Ateneo

By Len Montaño May 15, 2019 - 03:06 AM SHARE(S):
Tristan Tamayo, Inquirer.net

Inspiradong maglalaro si Cherry Rondina ng UST Tigresses sa laro laban sa Ateneo sa finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball.

Bukod sa mismong laro ay masasaksihan ng mga magulang ni Rondina na sina Arnold at Alona Rondina ang awarding sa kanya bilang Most Valuable Player kasabay ng Game 2.

Malaki ang pasalamat ni Rondina na bahagi siya ng UST para sa kanyang unang finals appearance.

Maganda anyang pakiramdam na madali siyang tinutulungan ng mga taga-UST sa kanyang volleyball career.

Target ngayon ng Rondina at buong Golden Tigresses na masungkit ang titulo sa laro ngayong Miyerkules sa Mall of Asia Arena gayundin ang mahinto ang 9 na taong pagka-uhaw ng koponan ng kampeonato.

Huling nakuha ng UST ang titulo noong 2010.

TAGS: Ateneo, Cherry Rondina, Golden Tigresses, Lady Eagles, Most Valuable Player, UAAP, UST, women’s volleyball, Ateneo, Cherry Rondina, Golden Tigresses, Lady Eagles, Most Valuable Player, UAAP, UST, women’s volleyball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.