1 patay, 9 sugatan sa magkakahiwalay na insidente sa Lanao del Sur

By Len Montaño May 15, 2019 - 02:45 AM

Isa ang patay at 9 ang sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan sa Lanao del Sur sa mismong araw ng eleksyon.

Ayon sa 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, isa ang patay sa barilan sa Lumbatan.

Walang halong pultika kundi away pamilya ang ikinamatay ng biktima.

Samantala, kasama ang 4 na bata sa 7 sugatan sa barilan sa bayan ng Ganassi.

Ang barilan ay sa pagitan ng mga taga-suporta ng magkaaway na kandidato kung saan naipit ang sinasakyan ng mga bata.

Isa naman umanong miyembro ng MILF ang sugatan sa pagsabog sa Marantao habang isa pa ang sugatan sa pamamaril sa bayan ng Tubaran.

TAGS: 1 patay, 103rd Infantry Brigade, 9 sugatan, away pamilya, barilan, kandidato, karahasan, Lanao Del Sur, magkaaway, MILF, Philippine Army, 1 patay, 103rd Infantry Brigade, 9 sugatan, away pamilya, barilan, kandidato, karahasan, Lanao Del Sur, magkaaway, MILF, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.