Cerafica, iprinotesta ang pagkapanalo ni Lino Cayetano sa Taguig

By Rhommel Balasbas May 15, 2019 - 02:37 AM

FB photo

Maghahain ng petisyon para sa manual recount ang natalong si Taguig City mayoral candidate Arnel Cerafica.

Ipinahayag ito ni Cerafica matapos maiproklama araw ng Martes bilang alkalde ng lungsod ang film at television director na si Lino Cayetano.

Nakakuha lamang si Cerafica ng 111,125 votes laban sa 174,906 votes na nakuha ni Cayetano.

Kahapon, nagsagawa ng protesta malapit sa City Hall si Cerafica at kanyang mga tagasuporta.

Malawakang pandaraya anya ang halalan sa Taguig dahil nakita umano sa mga resibo na kahit ang kanyang slate ang iboto ay pangalan ng mga Cayetano ang lumalabas.

Inaakusahan ni Cerafica na may nangyaring sabwatan ang Commission on Elections (Comelec) at ang mga Cayetano.

TAGS: Arnel Cerafica, Lino Cayetano, manual recount, mayoral candidate, pandaraya, Petisyon, sabwatan, Arnel Cerafica, Lino Cayetano, manual recount, mayoral candidate, pandaraya, Petisyon, sabwatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.