Aparri, Cagayan nagtala ng 57.6 degrees Celsius na heat index Martes ng hapon

By Len Montaño May 15, 2019 - 12:33 AM

Umabot sa 57.6 degrees Celsius ang naitalang heat index sa Aparri, Cagayan alas 2:00 Martes ng hapon.

Ayon sa Pagasa, sa ngayon ay ito ang pinakamataas na heat index na naitala para sa taong 2019.

Ang heat index ang nararamdaman na init ng katawan na mas mataas sa aktuwal na temperatura.

Paliwanag ng Pagasa, ang heat index ang “apparent temperature or what humans perceive or feel as the temperature affecting the body.”

Ang heat index na 54 degrees Celsius pataas ay mapanganib at posibleng maging dahilan ng heat stroke.

TAGS: 57.6 degrees celsius, aparri, Cagayan, heat index, init ng katawan, Pagasa, pinakamataas, temperatura, 57.6 degrees celsius, aparri, Cagayan, heat index, init ng katawan, Pagasa, pinakamataas, temperatura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.