Bam Aquino nasa Magic 12; Bong Revilla nasa 14th spot sa Comelec partial, official results

Pumasok ang kandidato ng oposisyon na si Sen. Bam Aquino sa tinatawag na Magic 12 habang nangunguna pa rin ang mga kapwa reelectionists nitong sina Senator Cynthia Villar at Grace Poe sa senatorial race batay sa unang batch ng partial at official results mula sa Commission on Elections (Comelec).

Habang si Sen. JV Ejercito ay nasa 13th spot at nalampasan si Bong Revilla na nasa 14th spot.

Ang Comelec na umuupong National Board of Canvassers ay nakapag-canvassed na ng transmitted results mula sa 34 certificates of canvass (COC) hanggang alas 9:00 Martes ng gabi.

Mayroong 167 na kabuuang COCs.

Narito ang partial, official Comelec results as of 9 p.m ng Martes (May 14).

  1. Cynthia Villar: 4,092,454
  2. Grace Poe: 3,650,288
  3. Christopher “Bong” Go: 3,293, 341
  4. Pia Cayetano: 3,251,819
  5. Ronald “Bato” Dela Rosa: 3,128,061
  6. Sonny Angara: 3,022,955
  7. Imee Marcos: 2,850,643
  8. Francis Tolentino: 2,584,833
  9. Lito Lapid: 2,520,316
  10. Aquilino Pimentel III: 2,439,571
  11. Nancy Binay: 2,366,035
  12. Bam Aquino: 2,335,724
  13. JV Ejercito: 2,292,264
  14. Ramon “Bong” Revilla Jr.: 1,997,438
Read more...