Pero walang agarang ulat ng malawakang pinsala bunsod ng lindol na may lalim na 10 kilometro at naitala alas 8:58 Martes ng gabi.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), tumama ang lindol 55 kilometro sa pinakamalapit na syudad ng Kokopo sa New Britain Island at 787 kilometro mulasa kapitolyo ng Port Moresby.
Unang nagbabala ang Pacific Tsunami Warning Center ng “hazardous” tsunami waves na posibleng tumama sa coastal areas ng Papua New Guinea.
Pero kalaunan sa update ay sinabi na wala na ang naturang banta.
Ayon sa staff ng isang resort, malakas ang lindol at ilan gamit ang nahulog, dahilan ng pagtakbo ng mga tao sa lugar.
Karaniwan ang lindol sa PNG na bahagi ng tinatawag na Pacific Ring of Fire at hotspot sa seismic acitivity dahil sa kiskisan sa pagitan ng tectonic plates.
Ang huling malakas na lindol sa naturang Pacific nation ay ang magnitude 6.8 noong Disyembre.
Samantala, sa advisory ng Phivolcs nakasaad na “No Tsunami Threat” o walang banta ng tsunami bunsod ng malakas na pagyanig.