BJMP: 80% ng mga inmates nakaboto sa midterm elections

By Den Macaranas May 14, 2019 - 05:56 PM

Inquirer file photo

Ipinagmalaki ng the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na umabot sa 80-percent ng mga inmates ang nakaboto sa nakalipas na 2019 midterm elections.

Sa kabuuang 37,534 na mga bilanggo na nasa pangangalaga ng BJMP, umaabot sa 29,839 sa mga ito ang nakaboto sa nasabing halalan.

Sa datos ng BJMP, 27,721 inmates ang nakaboto sa pamamagitan ng mga special polling place sa loob ng mga jail facilities samantalang 2,118 naman ang binigyan ng escort para makaboto sa labas ng bilangguan.

Sinabi ni BJMP officer-in-charge Jail Chief Superintendent Allan Iral na natupad ng kanyang mga tauhan ang pagtiyak na magkaroon ng isang mapayapang halalan sa mga jail facilities.

“Salamat sa ating mga personnel na naghanda, nagpuyat at nagbantay para maseguro na maayos at payapa ang magiging partisipasyon ng ating mga PDL sa katatapos lamang na halalan,” ayon kay Iral.

Sa pamamagitan ng Task Force “Tutok Halalan” ng BJMP ay kanilang naihatid sa Comelec sa takdang oras ang mga pangangailangan sa ginanap na botohan sa mga kulungan.

Ipinaliwanag ng BJMP na ang mga special polling places ay inilagay sa mga jail facilities para sa mga on-site voters samantalang ang mga off-site voters naman ay binigyan nila ng mga bantay alinsunod na rin sa mga umiiral na patakaran sa detainee voting guidelines.

TAGS: BJMP, Chief Superintendent Allan Iral, comelec, iral, on-site voting, tutok halalan, BJMP, Chief Superintendent Allan Iral, comelec, iral, on-site voting, tutok halalan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.