10 patay sa magkakahiwalay na sunog sa Metro Manila

By Ruel Perez / Jimmy Tamayo December 11, 2015 - 11:11 AM

sunog dec 11Sampu katao ang nasawi sa apat na sunog sa Quezon City, Valenzuela at Pasay City simula kagabi hanggang biyernes ng madaling araw.

Sa Barangay Malanday sa Valenzuela City, isa ang naitalang patay habang daan-daang pamilya ang nawalan ng bahay matapos umabot sa general alarm ang sunog na nagsimula alas 12:00 ng hatinggabi at naideklarang fire out pasado alas 5:00 na ng umaga.

Sa Pasay City, sumiklab din ang sunog sa isang residential area kung saan umabot sa 45 pamilya ang naapektuhan at nawalan ng bahay.

Ngayong umaga, isang sunog din ang naganap sa isang bodega sa Barangay Ugong sa Valenzuela City.

Siyam ang nasawi sa sunog sa residential area sa 11th Street Barangay Damayan Lagi sa Quezon City.

Kinilala ni SFO2 Mark Mondia ng Bureau of Fire Protection-Quezon City ang mga namatay na sina: Elvira dela Cruz Mary Ann dela Cruz Ma. Victoria dela Cruz.

Patay din sa sunog ang magkakamag anak na sina: Apolinar Gomez, 54 anyos Louie, 7 taong gulang Glyza, 22 taong gulang Omar.

Nasawi din ang mag-inang sina Joy Bulalacao at dalawang taong gulang na si Ashley.

Pasado alas dose ng hatinggabi nang magsimula ang sunog sa nasabing lugar na umabot sa ikalimang alarma. Alas 2:37 ng madaling araw nang ito ay maideklarang fire out.

Maliban sa mga nasawi, pito ang nasugatan sa sunog.

Umabot sa 50 bahay ang tinupok ng apoy at tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Natagpuan ang mga nasawi sa kitchen area ng kanilang bahay na magkakapatong-patong.

TAGS: 10 patay, Sunog sa MM, 10 patay, Sunog sa MM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.