Panelo: Magic ng pangulo nagresulta sa pagkatalo ng Otso Diretso

By Angellic Jordan May 14, 2019 - 04:06 PM

Inquirer file photo

Inihayag ng Malacañang na ang pagkakatalo ng mga senatorial candidate ng Otso Diretso ay patunay na nais ng mga Filipino na ituloy ang mga reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binati ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang aniya’y “resounding victory” o pagkakapasok ng mga pambato ng administrasyon sa Magic 12.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Panelo na walang duda na iba ang ‘magic’ ng pangulo.

Ayon pa kay Panelo, patunay ang resulta sa pag-reject ng mga botante sa negatibong propaganda na inilalabas ng oposisyon laban kay Duterte tulad ng isyu sa extrajudicial killings, war on drugs, South China Sea at iba pa.

Isa rin aniya itong matibay na mensahe ng taumbayan na ipagpatuloy ang mga nasimulang reporma ng administrasyon.

Nagpasalamat si Panelo sa mga Filipino dahil sa natanggap na suporta ng mga pambato ng administrasyon.

Nagpasalamat din si Panelo sa Otso Diretso at sa kanilang mga tagasuporta.

TAGS: 2019 midterm election, bokya, duterte, Otso Diretso, panelo, zero, 2019 midterm election, bokya, duterte, Otso Diretso, panelo, zero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.