Naiproklama na bilang nanalong alkalde sa Pasig City si Vico Sotto.
Ito rin ang nagsilbing katapusan ng 27 taong panunungkulan ng Eusebio clan sa lungsod.
Si Sotto ay nakakuha ng 206,226 votes laban kay incumbent Mayor Robert “Bobby” Eusebio.
Naiproklama na rin ang nanalong vice mayor ng lungsod na si dating Congressman Roman Romulo na running mate ni Sotto.
Si Roman ay nakakuha ng 221,779 votes.
Bago nahalal na alkalde, si Sotto ay nanalonoong 2016 bilang konsehal sa unang distrito ng Pasig City.
Sa pagsisimula ng proklamasyon kanina ay pinasalamatan ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes ang mga kababayan na nagbigay sa kanya ng bagong mandato.
Nangako rin si Sotto na isusulong niya ang malinis na pamamahala sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES