Labor Win senatoriables Leody De Guzman at Sonny Matula, nag-concede na

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2019 - 12:57 PM

Kapwa nag-concede na ang dalawang Labor Win senatorial candidates na sina Leody De Guzman at Sonny Matula.

Sa pahayag sinabi ni De Guzman na bagaman hindi sya pinalad na makapasok sa winning circle, pumasok naman sya sa puso ng mga kabataang estudyante at organisadong seksyon ng mga manggagawa.

Pinasalamatan ni De Guzman ang lahat ng sumuporta at tumulong sa kaniyang kampanya.

Samantala, ayon naman kay Matula, na marami silang natutunan sa nagdaang halalan kabilang ang kung paano mas mapapagbuti pa ang kanilang istratehiya at taktika.

Pinasalamatan din ni Matula ang lahat ng tumulong sa kaniyang kampanya.

TAGS: leody de guzman, senatoriables, Senatorial candidate, sonny matula, leody de guzman, senatoriables, Senatorial candidate, sonny matula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.