Mahigit 2M pensyonado ng SSS tatanggap ng 13th month

By Jake Maderazo December 11, 2015 - 10:49 AM

sss_logo_0Sabay sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, bibigyan ng Social Security System (SSS) ng 13th month pension na may kabuuang halagang P6.34 billion ang mahigit dalawang milyon pensyonado nito ngayong Disyembre, kasabay ng pagtanggap nila ng buwanang pension.

Ayon kay SSS Vice President ng Benefits Administration Division Agnes E. San Jose, doble ang pensyon na tatanggapin ng mga pensyonado ng SSS ngayong Disyembre.

Simula noong 1988 ay taunang tradisyon ng SSS ang pagbibigay ng 13th month pension. Diretsong papasok sa bank account ang 13th month pension o di kaya ay ipapadala ang tseke sa koreo.

“Ang pondong inilaan para sa 13th month pension ay naibigay na ng SSS sa mga partner banks nito noon pang Nobyembre. Gaya ng nakaraang taon, tatanggapin ng mga pensyonado ang kanilang 13th month pension kasabay ng kanilang regular na pensyon para sa Disyembre,” sabi ni San Jose.

Mahigit 99 porsyento ng mga SSS pensioners ay nakarehistro sa Pension Payment thru the Bank Program, o ang dating Mag-Impok sa Bangko Program, kung saan direkta nilang tinatanggap ang kanilang buwanang pensyon sa kanilang savings account. May 12,500 pensyonado naman ang piniling tanggapin ang kanilang pensyon sa pamamagitan ng tseke na ipinapadala sa pamamagitan ng koreo dahil sa kakulangan ng automated teller machines sa kanilang lugar.

“Halos P6.31 bilyon na 13th month pensions ay nakatakdang ibigay sa pamamagitan ng bank accounts ng mga pensyonado. Ang natitirang P34.61 million ay ibibigay sa pamamagitan ng tseke na ipapadala sa tirahan ng mga pensyonado,” sabi ni San Jose.

Idineposito ng SSS ang 13th month pensions sa mga banko ng mga pensyonado dalawang linggo bago ang sumapit ang buwan ng Disyembre.

Ikinarga naman ng mga SSS partner banks sa indibidwal na bank account ng mga pensyonado ang 13th month pension simula noong Disyembre.

TAGS: SSSPension, SSSPension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub