VCM, election paraphernalia sinunog ng mga armadong suspek sa Jones, Isabela

By Clarize Austria, Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2019 - 10:39 AM

Sinunog ng mga hindi pa nakilalang armadong lalaki ang isang vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa Jones, Isabela.

Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office-2 (PRO-2) ibinibiyahe ang VCM at election paraphernalia ng mga miyembro ng board of election inspectors patungo sa munisipyo ng bayan ng Jones nang harangin sila ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Sta. Isabel dakong alas 6:20 ng umaga.

Pinababa umano ng mga armadong lalaki ang mga BEI at ipinasuko ang VCM at saka naman nila sinunog ang mga ito.

Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: election paraphernalia, isabela, jones, VCM, election paraphernalia, isabela, jones, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.