Heneral Luna bigong makapasok sa top 5 ng Best Foreign Language Film ng Golden Globe Awards
Bigo ang historical indie film na “Heneral Luna” na mapabilang sa top 5 ng Best Foreign Language Film award sa Golden Globe Awards (GGA) sa susunod na taon.
Kinumpirma ito ng Golden Globe Awards sa kanilang twitter post na nagsasabing tanging ang mga pelikulang “The Brand New Testament” (Belgium), “The Club” (Chile), “The Fencer” (Finland), “Mustang” (France) at “Son of Saul” (Hungary) bilang kanilang top five finalists.
Sa limang nabanggit, kukunin ang magwawagi sa awards ceremony na gaganapin sa darating na January 10, 2016.
Samantala, inaabangan pa rin kung makakapasok ang Heneral Luna sa 88th Academy Awards sa parehong na kategorya.
Sa Enero 14, 2016 iaanunsiyo ang opisyal na limang nominado para sa tropeyo ng Oscars.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.