PPCRV nananawagan ng volunteers

Isang araw matapos ang midterm elections nangangailangan pa ng volunteers ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ito ay para ttumulong sa monitoring ng resulta ng eleksyon.

Sa Facebook post ng PPCRV, nakasaad na kailangan nito ng encoders mula May 20 hanggang 31.

Ito ay para sa sumusunod na shifts:

8am to 12nn
12nn to 5pm
5pm to 10pm

Para sa mga nais maging volunteer maaring magtungo sa PPCRV National Office Room 301, Pius XII Catholic Center sa United Nations Avenue sa Maynila.

Read more...