Screen icon na si Doris Day sumakabilang buhay sa edad na 97

Sumakabilang buhay na ang screen icon na si Doris Day sa edad na 97.

Kinumpirma ng Doris Day Foundation na binawian ng buhay ang aktres sa kanyang bahay sa Carmel Valley, California dahil sa sakit na pneumonia.

Si Day ay nakilala bilang girl-next-door at sumikat sa pelikulang “Pillow Talk,” “Sentimental Journey,” at “The Man Who Knew Too Much” kung saan inawit niya ang classic song na “Que Sera Sera.”

Nagpa-abot naman ng kanilang pakikiramay ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences na inalala ang aktres sa kanyang “humor, extraordinary talent and kind heart.”

Kilala din si Day bilang animal rights activist at recording artist.

Bagamat hindi nanalo ng Oscar, si Day ay pinagkalooban ng Presidential Medal of Freedom noong2004 at nakatanggap ng lifetime achievement award sa Grammy noong 2008.

Ang totoong pangalan ng aktres ay Mary Ann Von Kappelhoff at isinilang sa Cincinnati, Ohio noong April 3, 1922.

Matapos magretiro sa pag-arte, naging animal rights activist ang aktres kung saan nagpatayo pa ito ng isang pet-friendly hotel sa California

Hiniling din umano ng aktres na huwag siyang pagkalooban ng funeral, memorial service at grave marker sa kanyang pagpanaw.

Read more...