Sweldo ng mga empleyado ng Facebook sa US itinaas

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2019 - 07:44 AM SHARE(S):

Itinaas ng Facebook ang sweldo ng kanilang mga manggagawa sa US.

Ayon sa Facebook, magiging $20/hr na ang minimum wage ng mga contract workers nila sa Amerika partikular sa San Francisco Bay Area, New York at Washington.

Adagdag na $18 naman per hour ang para sa mga trabahador sa Seattle.

Nasa $15 per hour ang kasalukuyang sweldo ng mga manggagawa ng Facebook sa nasabing mga lugar at ito na ang umiiral na sweldo mula taong 2015.

Sa kalagitnaan ng susunod na taon ipatutupad ang dagdag na sweldo.

TAGS: facebook, Radyo Inquirer, Salary, US, facebook, Radyo Inquirer, Salary, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.