Mag-asawang Cayetano nangunguna sa Taguig congressional polls

Patuloy na nangunguna sa congressional race sa dalawang distrito ng Taguig ang mag-asawang sina dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at incumbent Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Batay sa partial and unofficial results as of 3:50am ng Martes, sa 440 ng kabuuang 467 clustered precincts ay nakakuha ng 86,360 boto si Alan Peter na mas mataas laban kay Allan Cerafica na mayroong 59,998.

Si Lani Cayetano naman ay nakakuha ng 108,554 na boto laban sa 40,391 ni Che Che Gonzales.

Nangunguna rin sa mayoral race ang kapatid ni Alan Peter na si Direk Lino Cayetano na may 166,182 votes laban ky Arnel Cerafica na may 105,059.

Sa pagkabise-alkalde naman ay nangunguna si Ricardo Cruz Jr. na may 151,922 votes laban kay Jun Dueñas.

Nabalot ng kontrobersiya ang kandidatura nina Alan Peter at Lani Cayetano dahil kinukwestyon ang pagkakaroon ng ng magkaibang address ng dalawa mula sa dalawang distrito ng Taguig kahit na sila ay mag-asawa.

Read more...