Magkakapatid na Duterte dinomina ang Davao polls

Tulad ng inaasahan, landslide ang botong nakuha mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na halalan sa Davao City.

As of 3:20 am, batay sa 96.57 ng election returns, 563,101 ang botong nakuha ni reelectionist Davao City Mayor Sara Duterte laban sa 4,158 ni Jun Marcellones.

Wala namang kalaban sa pagkabise-alkalde si Baste Duterte at mayroong 541,219 boto.

Samantala, si Pulong Duterte ay nangunguna rin sa congressional race ng first district kung saan nakakuha ito ng 194,674 boto laban sa 5,070 at 2,107 votes ng mga kalaban.

Wala namang kalaban sa second at third districts sina Vincent Garcia at Isidro Ungab.

Read more...