Iba pang kumpanya ng langis may rollback ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 14, 2019 - 04:08 AM

Magpapatupad na rin ng iba pang kumpanya ng langis ng rollback ngayong araw.

Sa anunsyo ng Total, PTT Philippines, Petron, Flying V, Petro Gazz at Shell ay may bawas na P1.25 ang kada litro ng gasolina habang walang rollback sa diesel.

May bawas namang P0.30 kada litro ang kerosene o gaas ng Shell, Flying V at Petron.

Epektibo ang bawas-presyo mamayang alas-6:00 ng umaga.

Una nang nagpatupad ng rollback ang ilang oil companies noong weekend.

Pinakamalaki ang bawas ng Phoenix Petroleum sa gasolina na umabot sa P1.30.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: diesel, gasolina, ikalawang sunod, kerosene, kumpanya ng langis, petrolyo, rollback, diesel, gasolina, ikalawang sunod, kerosene, kumpanya ng langis, petrolyo, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.