Hanggang bago alas 3:50 ng madaling araw ng Martes, mayroon si Moreno na 345,963 votes na malaking lamang sa boto ni Estrada na 202,828 sa 1,456 mula sa kabuuang 1,502 clustered precincts.
Ang pag-apruba ng Board of Canvassers Manila sa mosyon ng kampo ni Moreno na ibaba ang threshold ang nagbigay-daan sa proklamasyon ni Moreno.
Ang panalo ni Moreno, sa tulong ng dalawang maimpluwensyang religious groups, ang tumapos sa termino ni Erap na nagsimula sa unang panalo nito bilang alkalde noong 2013.
Sa panayam sa media sa proklamasyon sa San Andres Sports Complex sa Maynila, sinabi ni Moreno na umaasa siya ng maayos na transition mula sa kampo ni Estrada.
Sa kabila ng malaking hamon, nangako si Moreno na ibabalik ang buhay ng Maynila sa tulong anya ng mga Manileño.