Isa pang pagsabog naganap sa Cotabato City

Dalawang pagsabog ang naganap sa Cotabato City ilang oras matapos magsara ang mga polling precincts pagkatapos ng eleksyon Lunes ng gabi.

Nagkaroon ng pagsabog malapit sa city hall.

Ayon kay Police Lt. Teofisto Ferrer Jr. ng City Police Precinct 2, nangyari ang pagsabog alas 10:00 ng gabi sa City hall compound sa Purok Omar, Malagapas, Rosary Heights.

Bukod sa pagsabog, nagkaroon ng magkakasunod na putok ng baril at pagsabog sa gitna ng malakas na ulan sa lugar.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga pagsabog.

Una rito ay may twin explosions sa parehong lugar na ayon sa mga otoridad ay wala namang kinalaman sa eleksyon.

Inilagay ng Comelec ang buong Mindanao sa categorty red election hot spot

Nangangahulugan ito na pwede nang magdeklara ang Comelec ng kontrol sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon kung election-related ang mga pagsabog.

Read more...