Vico Sotto, patuloy na nangunguna vs. Eusebio sa pagka-alkalde ng Pasig

Nakatakdang gibain ni Vico Sotto ang 27 taong liderato ng mga Eusebio sa Pasig City.

Batay sa partial and unofficial results ng Comelec sa mayoral race hanggang alas-12:00 ng hatinggabi, nakakuha na si Sotto ng 188,321 ng boto mula sa 432 ng kabuuang 479 clustered precincts.

Lamang si Sotto ng lampas 79,000 na boto kay reelectionist Bobby Eusebio na nakakuha lamang ng 109,245 na boto.

Ang 29 anyos na si Vico Sotto ay anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Samantala, nangunguna naman sa congressional race ng Pasig City si Roman Romulo na may 202,553 na boto na napakalaki ang lamang sa 88,404 ni Ricky Eusebio.

Read more...