Ito ay dahil sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Kapistahan ng Birhen ng Fatima.
Saktong idinaos ang 2019 midterm elections sa araw ng Pista ng Birhen.
Tuwing May 13 ay ginugunita ang unang aparisyon ng Mahal na Ina sa tatlong bata na sina Lucia, Francisco at Jacinta sa Cova de Ira, Fatima, Portugal noong 1917.
Tatlong fiesta masses ang idinaos ngayong kahapon na sinundan ng solemn candle light procession.
At dahil kasabay Halalan 2019, noong Linggo pa lamang ay maraming parokya ang nag-alay ng misa para sa ikapapayapa ng eleksyon.
Sa Manila Cathedral, isang misa ang pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na sinundan din ng candlelight procession sa Plaza de Roma sa Intramuros.
Ayon kay Manila Cathedral Rector Fr. Reginald Malicdem, layon ng naturang mga gawain ang paghingi ng tulong at patnubay ng mahal na Ina at ng Panginoong Hesus para makapamili ng makatao at maka-Diyos na mga pinuno.