Matapos ang eleksyon, nanawagan ang Palasyo ng Malakanyang sa mga nanalong kandidato na maging tapat sa kanilang tungkulin.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo dapat na pagsilbihan ang taong bayan na may kaaakibat na dedikasyon.
Umaapela rin si Panelo sa taong bayan na igalang ang resulta ng halalan.
Kasabay nito nagpapasalamat ang Palasyo sa lahat ng indibidwal na nangasiwa para masiguro na maging maayos ang 2019 midterm elections
Partikular na aniya ang mga guro, pulis at sundalo at lalo na ang mga botante na nakiisa sa halalan.
Humihirit din ang Palasyo sa publiko na maging mapagmatyag lalo’t nagsisimula na ang bilangan ng mga boto.
Magaganap aniya ang dayaan kung hahayaan ng taong bayan at hindi makikiisa sa pagbabantay.
Bagamat naging maayos ang halalan sinabi ni Panelo na alam ng Palasyo ang kalituhan ng ilang botante sa paghahanap ng mga presinto, ang mahabang pila, pagpalya ng vote counting machines subalit agad naman itong tinugunan ng mga kinauukulan.
Sa kabila ng maliliit na problema sinabi ni Panelo na wala namang major untoward incident na naitala sa araw ng halalan.