52 anyos na lalaki inatake sa polling precinct sa Davao City

Nasawi matapos atakehin sa puso ang isang 52 anyos na lalaki sa isang polling center sa Davao City.

Alas sais pa lamang ng umaga ay dumating na si Eduardo Belauro sa Matina Pangi Elementary School para bumuto.

Pero hindi na ito nakaboto o nakahawak man lang ng balota matapos itong mag-collapse.

Agad na tumugon ang emergency response team ng barangay para lapatan ng unang lunas si Belauro pero idineklara na itong dead on arrival pagdating sa ospital.

Ayon sa pamilya ng biktima, matagal ng mayroong sakit sa puso ang lalaki.

Read more...