Provincial Board of Canvassers sa Isabela, nagdeklara ng recess

By Clarize Austria May 13, 2019 - 11:39 PM

Kuha ni Clarize Austria

Nagdeklara kaninang alas 8:00 ng gabi ng recess ang Provincial Board of Canvassers dito sa Isabela.

Ayon sa mga election officials, nagsagawa ng recess dahil wala pang mga botong naitatransmit mula sa munisipalidad papunta sa provincial server.

Siniguro naman ng pamunuan na hindi titigil ang transmission sa buong magdamag.

Magko-convene ang session bukas ng alas 8:00 ng umaga.

Ang mga balota naman at mga vote counting machines ay ililipat mula sa mga presinto papunta sa mga municipal treasurer’s office.

Tinayak ng ni Isabela Police Director Mariano Rodrige na nanatiling mahigpit at double ang kanilang seguridad sa pagtatransport sa nasabing kagamitan.

TAGS: isabela, Isabela Police Director Mariano Rodrige, Provincial Board of Canvassers, provincial server, recess, Vote Counting Machines, isabela, Isabela Police Director Mariano Rodrige, Provincial Board of Canvassers, provincial server, recess, Vote Counting Machines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.