Francis Zamora, iprinoklama ng bagong mayor ng San Juan
Tinapos na ni incoming Mayor Francis Zamora ang 5 dekadang pamumuno ng Pamilya Ejercito-Estrada sa San Juan City matapos nitong talunin ang anak ni dating Senador Jinggoy Estrada na si Janella Ejercito Estrada sa eleksyon.
Si Zamora, anak ni Representative Ronald Zamora ay nakakuha ng 34,027 votes habang si Estrada ay may 23,998 votes batay sa election returns sa 95 mula 98 clustered precincts.
Dahil dito ay tapos na ang era ng mga Estrada sa San Juan kung saan si Guia Gomez na dating partner ng lolo ni Janella na si dating Pangulong Joseph Estrada ang outgoing mayor.
Iprinoklama ng City Board of Canvassers si Zamora halos 4 na oras matapos ang eleksyon.
Ang mga Estrada at Zamora ay matagal ng magka-alyado sa pulitika pero noong 2013 ay kinalaban ni Jana Ejercito, pamangkin ng Erap, si Ronaldo Zamora sa pagka-kongresista. Nanalo si Zamora laban kay Jana ng halos 2,000 votes.
Sunod naman ay tinalo ni Francis Zamora bilang kongresista ang aktor na si Edu Manzano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.