Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, pumunta si Director Teofisto Elnas Jr., head ng Comelec transparency server sa Pope Pius para ayusin ang problema sa transmission.
Sa inisyal na report na natanggap ni Commissioner Casquejo, nabatid na nagkaroon ng data pocket problem o isang technical problem kaya hindi mai-forward ng Comelec transparency server ang natatanggap nitong data mula sa mga clustered precincts.
Katunayan anya hanggang alas 8:50 ng gabi ay nasa 70 percent na mula sa higit 85,000 clustered precincts ang natatanggap ng Comelec server.
Malalaman anya mula kay Director Elnas ang paliwanag kung bakit natengga ang transmittal ng Comelec transparency server.