Comelec transparency server sa PPCRV, nakararanas ng aberya

By Erwin Aguilon May 13, 2019 - 10:03 PM

Nagkaroon ng problema sa transmission ng Commission on Elections (Comelec) transparency server sa Pope Pius command center kaya natengga ang porsyento ng transmission ng resulta mula sa mga clustered precincts.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, pumunta si Director Teofisto Elnas Jr., head ng Comelec transparency server sa Pope Pius para ayusin ang problema sa transmission.

Sa inisyal na report na natanggap ni Commissioner Casquejo, nabatid na nagkaroon ng data pocket problem o isang technical problem kaya hindi mai-forward ng Comelec transparency server ang natatanggap nitong data mula sa mga clustered precincts.

Katunayan anya hanggang alas 8:50 ng gabi ay nasa 70 percent na mula sa higit 85,000 clustered precincts ang natatanggap ng Comelec server.

Malalaman anya mula kay Director Elnas ang paliwanag kung bakit natengga ang transmittal ng Comelec transparency server.

TAGS: clustered precincts, comelec, Comelec Commissioner Marlon Casquejo, data pocket problem, natengga, technical problem, transmission, Transparency Server, clustered precincts, comelec, Comelec Commissioner Marlon Casquejo, data pocket problem, natengga, technical problem, transmission, Transparency Server

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.