ALAMIN: Mga nangunguna sa mayoralty race sa ilang lungsod sa Metro Manila
Nangunguna si Isko Moreno sa mayoralty race sa Maynila batay sa datos ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRVC).
Hanggang 7:01 Lunes ng gabi, mayroong 485 votes si Moreno.
Si reelectionist Joseph Estrda ay mayroong 397 votes habang si Alfredo Lim ay mayroong 157 votes.
Sa Makati City, nangunguna si incumbent Mayor Abby Binay ayon sa City Board of Canvassers.
Si Binay ay may 160,122 votes, sunod ang kapatid nitong si Junjun na may 87,077.
Ayon sa Board of Canvassers, ang resulta ay 88.47 percent ng kabuuang boto sa lungsod.
Sa labanan naman sa pagka vice mayor, nangunguna ang tandem ni Binay na si Monique Lagdameo na may 158,430 votes na sinundan ni Monsour del Rosario na may 91,701 votes.
Ang resulta sa vice mayoral race ay galing sa 436 ng 503 clustered precincts sa syudad.
Samantala, nangunguna naman sa Quezon City si Vice Mayor Joy Belmonte batay sa unofficial tally ng Transparency Server ng PPCRV-Inquirer.
Hanggang 6:55 ng gabi, si Belmonte ay nakakuha ng 1,145 votes na sinundan ni Quezon City 1st District Rep. Bingbong Crisologo na may 492 votes.
Ang running mate ni Belmonte na si Gian Sotto ang nangunguna na may 997 cotes at pangalawa ang tandem ni Crisologo na si Jopet Sison na may 535 votes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.