Granada sumabog malapit sa isang polling center sa Lanao del Sur

By Den Macaranas May 13, 2019 - 06:29 PM

Inquirer photo

Dalawa ang malubhang sugatan makaraang sumabog ang isang granada sa loob ng isang van malapit sa isang polling center sa Marantao, Lanao del Sur pasado alas singko ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng 103rd Brigade ng Philippine Army, naglalaman umano ng improvised explosive devices (IEDs) ang nasabing van na may lulang apat na mga kalalakihan.

Target umano ng mga suspek ang mga sundalo na nagbabantay sa paligid ng Bakung Elementary School.

Sinabi ng mga tauhan ng militar na inihagis ng isa sa mga suspek ang hawak niyang granada pero sumabit ito sa bintana ng sasakyan kaya sa loob ito ng van sumabog.

Dahil dito ay kaagad na naalerto ang mga sundalo sa lugar at nang lapitan nila ang van ay tumambad sa kanila ang maraming IEDs, mga baril at ilan pang mga armas.

Dahil sa pagsabog ay dalawa ang nakitang duguan sa loob ng van samantalang kaagad namang pinosasan at pinadapa sa kalsada ang dalawa pa sa kanilang mga kasamahan.

Kaagad namang nag-deploy ang Philippine National Police ng kanilang mga bomb experts sa lugar para alisin ang mga IEDs sa loob ng sasakyan.

Kasunod nito ay kaagad na pinaalis ang mga residenteng nakatira malapit sa kinaganapan ng pagsabog samantalang ipinagpatuloy naman ang botohan sa Bakung Elementary School.

Kasalukuyang inaalam ng mga otoridad kung saang grupo kaanib ang mga kalalakihang sakay ng naturang van.

TAGS: 103rd brigade philippine army, IED, Lanao Del Sur, marantao, PNP, 103rd brigade philippine army, IED, Lanao Del Sur, marantao, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.