Duterte: Comelec dapat magpaliwanag sa publiko dahil sa mga aberya sa halalan

By Den Macaranas May 13, 2019 - 05:57 PM

Hinihintay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines kaugnay sa pangkalahatang sitwasyon sa araw ng halalan.

Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng media pagkatapos niyang bumoto sa Davao City, sinabi ng pangulo na may ilang mga reports na siyang ulat kaugnay sa ilang mga kaguluhang naganap partikular na sa rehiyon ng Mindanao.

Sinabi rin ni Duterte na maraming mga ulat kaugnay sa mga sirang vote counting machines (VCMs) at iba pang mga kaganapan na dahilan ng pagkabalam ng halalan sa ilang mga lugar.

Gayunman, sinabi ng pangulo na hahayaan muna niyang magpaliwanag sa publiko sa Comelec kaugnay sa ilang election-related concerns.

“Let Comelec explain first to the people before we even initiate a sort of investigation”, ayon sa pangulo.

Mula pa sa pagbubukas ng mga voting precinct kaninang umaga ay inulin na ng sumbong ang Comelec kaugnay sa mga nagka-aberyang VCMs.

Sa pulong balitaan naman sa Camp Crame kanina ay sinabi ni Philippine National Police  Chief Oscar Albayalde na patuloy pa rin siyang inuulan ng mga reklamo kaugnay sa vote buying.

Sinabi ng pangulo na alam niya ang nasabing mga reklamo at hanggang mahirap ang kalagayan ng ilan sa Pinoy ay magpapatuloy ang nasabing uri ng maling gawain.

Dagdag pa ni Duterte, “Dapat kasuhan ang mga mahuhuling sangkot sa vote buying. Vote buying is an integral part of Philippine politics”.

TAGS: albayelde, comelec, Davao City, duterte, VCM, vote buying, albayelde, comelec, Davao City, duterte, VCM, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.