Nakaboto na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Building 1 ng Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa Davao City.
Dumating si Duterte sa Precinct 1245A ng Clustered Precinct 361 4:35 ng hapon kasama ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avanceña kung saan siya ay nakalista bilang voter number 46.
Dala ang kanyang kodigo ay inabot ng higit sa walong minuto ang pagboto ng pangulo.
Sa nasabi ring presinto bumoto ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at ang kanyang kapatis na si Jocelyn.
Nauna dito ay binigyan ng courtesy lane ang pangulo dahil sa kanyang pagiging senior citizen.
Hindi naman nasunod ang unang plano na gagamitin ni Duterte ang kanyang “historical chair” na kanyang ginamit noong 2016 national election kung saan ay nanalo siyang pangulo.
Sinabi ng pamunuan ng DRANHS na hindi na tugma ang nasabing upuan dahil pinalitan na ang mga wooden armchairs sa nasabing paaralan.
Na-demolished na rin ang dating classroom na pinagbotohan ng pangulo at napalitan na ng bagong gusali.
Kabilang naman sa mga binoto ng pangulo ay 12 senador, isang party list representative, isang Mayor, isang vice mayor, walong city councilors at kinatawan sa kongreso ng unang distritro ng Davao City.
Ang kanyang anak na si Sara ay muling tumatakbo bilang mayor, vice mayor naman si Baste samantalang pagka-kongresista naman ang target ni dating vice mayor Paolo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.