Gaya ng ordinaryong botante, inabot ng dalawa at kalahating oras sa pagpila si reelectionist Senator Sonny Angara at kanyang asawa na si Tootsy sa pagpila sa suklayin elementary school sa Barangay Suklayin, Baler Aurora.
Pasado alas nuwebe ng umaga nang dumating ang mag- asawang Angara sa Precinct 0103-A subalit mag-aalas dose na ng tanghali nang makaboto.
Samantala, inabot naman ng tatlong oras bago nakaboto si Senador Grace Poe sa Sta Lucia Elementary School sa San Juan City dahil nagkaproblema ang vote counting machine.
Nagkaprobelema rin si Agriculture Secretary Manny Piñol sa pagboto sa Paco, Kidapawan City.
Base sa Facebook post ni Piñol, matapos ang mahigit isang oras na pila, hindi tinanggap ng vote counting machine ang kanyang balota dahil sa may ballpen marking sa gilid.
Aksidente aniyang nalagyan ng ballpen marking ang kanyang balota ng isa sa eletoral board member.
Dahil dito nagpasya ang mga miyembro ng electoral board na bigyan siya ng bagong balota
Kaninang umaga ay walong beses namang iniluwa ng vcm ang balota na ginamit ni dating Vice President Jejomar Binay.
Kinakailangan pa niyang mag-reklamo sa mga Comelec officials kaya nabigyan siya ng bagong balota.
Ganun rin ang naranasan ni Sen. Nance Binay sa kanyang pagboto.