Nagtamo ng malaking pinsala ang ang dalawang oil tankers na pag-aari ng Saudi Arabia dahil sa naganap na pag-atake sa United Arab Emirates.
Sa inilabas na pahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia, kanilang sinabi na papunta sa US ang nasabing mga barko nang ito ay atakihin ng ilang armadong grupo.
Wala namang naireport na casualties sa pag-atake at wala rin umanong naganap na oil spill sa lugar.
Tumanggi naman na magbigay ng dagdag na detalye sa pananabotahe ang mga Emirati officials.
Kaagad namang naglabas ng warning ang US dahil sa mga posible pang mga kahalintulad na pag-atake.
Nauna dito ay inatake rin ng armadong grupo ang apat na barko na nakadaong sa port city ng Fujairah.
Sa naunang warning ng US ay kanilang sinabi na Iran at kanilang mga kaalyadong grupo ang nagpa-planong maghasik ng kaguluhan sa Persian Gulf na ang target ay ang mga barkong dumaraan sa rehiyon.
Kaugnay nito ay nagpadala ng aircraft carrier at B-52 bombers ang US sa lugar.
Nagsimula muling uminit ang sitwasyon sa rehiyon makaraang bawiin ni US President Donald Trump ang partisipasyon nila sa 2015 nuclear deal kasama ang Iran at ilang world powers.
Nagbanta rin ang Iran na mas lalo panilang palalakasin ang kanilang nuclear program kapag hindi nagkaroon ng bagong negotiating term.