Mag-amang Crisologo pormal nang sinampahan ng mga kaso

By Angellic Jordan May 13, 2019 - 03:20 PM

Inquirer photo

Sumailalim na si Quezon City mayoral candidate at 1st District Representative Vicent “Bingbong” Crisologo sa inquest proceedings sa araw ng eleksyon (May 13).

Nahaharap si Crisologo sa reklamong direct assault, unjust vexation at obstruction of justice matapos pigilan umano nito ang operasyon ng pulis laban sa umano’y vote buying sa Barangay Bahay Toro, Linggo ng gabi.

Itinanggi naman ni Crisologo ang pagkakasangkot sa vote buying.

Kinuwestiyon din ni Crisologo ang operasyon ng pulisya dahil walang ipinakitang warrant at hindi sila binasahan ng Miranda rights.

Maliban kay Crisologo, naaresto rin ang anak nito na si Atty. Edrix Crisologo.

Matapos dumaan sa inquest proceedings, nakalabas na rin ang mag-amang Crisologo sa Quezon City Hall of Justice.

Sa panayam, sinabi ni Crisologo na walang epekto sa kanilang kandidatura ang kaso dahil sa patuloy na pagdagsa ng suporta sa kanilang hanay.

Nanindigan naman ang pamunuan ng Quezon City Police District Office na ituloy ang kaso sa mag-amang Crisologo dahil sa umano’y pambabastos sa kanilang mga tauhan.

TAGS: crisologo, inquest, Mayor, QCPD, quezon city, crisologo, inquest, Mayor, QCPD, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.