Malubhang nasugatan ang siyam katao makaraan ang pamamaril na naganap sa lalawigan ng Sulu isang oras makaraang buksan ang mga presinto sa halalan.
Sinabi ni Lieutenant Colonel Gerald Monfort, Joint Task Force (JTF) Sulu spokesperson na kasalukuyang ginagamot sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga sugatan.
Naganap ang pamamaril sa harapan ng Titipon Elementary School sa bayan ng Panglima Estino, Sulu.
Dahil sa nasabing pamamaril ay ilang oras ring nahinto ang pagboto ng mga botante sa nasabing lugar.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing pamamaril.
Makalipas ang tatlong oras ay isang pamamaril rin ang naganap sa Camp Andres Central Elementary School sa bayang ng Luuk sa nasabi ring lalawigan.
Wala namang naiulat na namatay sa nasabing shooting incidente ayon sa ulat ng Philippine National Police.
Nauna dito ay dalawang pagsabog rin ng granada ang naitala sa lalawigan ng Maguindanao kaninang umaga bago magbukas ang mga presinto.
Sinabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na nagpadala na sila ng dagdag na mga tauhan sa ilang lugar sa Mindanao para hindi na maulit ang nasabing mga pangyayari.