Pagbibigay ng bagong balota kay dating VP Binay idinepensa ng Comelec
Nagpaliwanag ang Commission on Elections kung bakit muling binigyan ng balota si dating Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Comelec IED Dir. Frances Arabe, mayroong 51 balota ang hindi binasa ng nagka-aberyang VCM sa presinto ni VP Binay sa Makati City.
Kaagad anyang napalitan ang nasabing VCM at ang 49 na balotang ipinagkatiwala ng mga botante sa mg miyembro ng BEI para sa batch reading ay binasa ng makina pero hindi ang kay VP Binay at kanyang kasambahay ay hindi pa rin binasa.
Paliwanag ni Arabe, itinabi ng BEI ang balota nina VP Binay at kasambahay nito dahil sa mayroong objection.
Lumabas anya na nagkagulo ang media matapos bumoto si VP Binay ay nahulog sa table ang balota nito at nadumihan.
Dahil dito, nagpasya anya ang chairman ng BEI sa kanyang presinto na palitan ang kanyang balota.
Dahil sa eksakto lamang ang balota sa bawat presinto sinabi ni Arabe na sa ilalim ng rules ng Comelec kung magiging 100% ang turn out sa presinto ni Binay ng dalawa na mawawalan ng balota ay pabobotohin sa kalapit na presinto na sumobra ang balota.
Ang balota naman anya ng dating bise presidente at kasambahay nito ay ilalagay sa isang envelop na may label na rejected ballots.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.