Dating VP Jejomar Binay nakaboto matapos 8 beses iluwa ng VCM ang kaniyang balota
Matapos ang aberya nakaboto rin si dating Vice President Jejomar Binay.
Walong ulit iniluwa ng vote counting machines ang balota ni Binay sa San Antonio National High School sa Makati City.
Dahil dito, nagtungo sa PICC si Binay para iparating mismo sa Commission on Elections (Comelec) ang kaniyang naranasan.
Ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez, problema sa makina ang dahilan kaya hindi tinanggap ng walong beses ang balota ni Binay.
Dahil dito, pinalitan ang VCM sa polling precinct ni Binay.
Bumalik na lamang ang dating bise president sa kaniyang polling precinct, binigyan ito ng panibagong balota, muli siyang bumoto, at doon ay tinanggap na ng makina ang balota.
Sa pahayag, sinabi ni Gina Iligan, principa ng San Antonio National High School na naapakan ng nagkakagulong mga mamamahayag ang kable ng VCM habang bumoboto si Binay kaya ito nagkaproblema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.